3 Magsalita kayo sa buong kapulungan ng Israel, na sinasabi, ‘Sa ikasampung araw ng buwang ito ay kukuha ang bawat isa sa kanila ng isang tupa+ para sa sambahayan ng kanilang ninuno, isang tupa para sa isang sambahayan.
7 Siya ay ginipit,+ at hinayaan niyang pighatiin siya;+ gayunma’y hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig. Siya ay dinalang tulad ng isang tupa patungo sa patayan;+ at tulad ng isang tupang babae na sa harap ng kaniyang mga manggugupit ay napipi, hindi rin niya ibinubuka ang kaniyang bibig.+
7 Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo ay maging isang bagong limpak,+ yamang sa inyo ay walang pampaalsa. Sapagkat si Kristo+ nga na ating paskuwa+ ay inihain na.+
6 At nakita kong nakatayo sa gitna ng trono+ at ng apat na nilalang na buháy at sa gitna ng matatanda+ ang isang kordero+ na para bang pinatay,+ na may pitong sungay at pitong mata, na ang mga mata ay nangangahulugang pitong espiritu+ ng Diyos na isinugo sa buong lupa.