24 Nang maglaon ay sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: “Ako ay mamamatay na; ngunit walang pagsalang ibabaling ng Diyos ang kaniyang pansin sa inyo,+ at tiyak na iaahon niya kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na isinumpa niya kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.”+
6 At sinabi niya: “Ako ang Diyos ng iyong ama, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob.”+ Nang magkagayon ay ikinubli ni Moises ang kaniyang mukha, sapagkat natatakot siyang tumingin sa tunay na Diyos.
26 Ngunit may kinalaman sa mga patay, na sila ay ibabangon, hindi ba ninyo nabasa sa aklat ni Moises, sa ulat tungkol sa tinikang-palumpong, kung paanong sinabi ng Diyos sa kaniya, ‘Ako ang Diyos ni Abraham at Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob’?+
37 Ngunit ang tungkol sa pagbabangon sa mga patay ay ibinunyag din naman ni Moises, sa ulat tungkol sa tinikang-palumpong,+ nang tawagin niya si Jehova na ‘ang Diyos ni Abraham at Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’+