2 At sasakaniya ang espiritu ni Jehova,+ ang espiritu ng karunungan+ at ng pagkaunawa,+ ang espiritu ng payo at ng kalakasan,+ ang espiritu ng kaalaman+ at ng pagkatakot kay Jehova;+
42Narito! Ang aking lingkod,+ na inaalalayan kong mabuti!+ Ang aking pinili,+ na sinang-ayunan ng aking kaluluwa!+ Inilagay ko sa kaniya ang aking espiritu.+ Katarungan sa mga bansa ang itatanghal niya.+
61Ang espiritu ng Soberanong Panginoong Jehova ay sumasaakin,+ sa dahilang pinahiran ako ni Jehova+ upang maghayag ng mabuting balita sa maaamo.+ Isinugo niya ako upang bigkisan ang may pusong wasak,+ upang maghayag ng paglaya sa mga bihag+ at ng lubos na pagkakadilat ng mga mata sa mga bilanggo;+
16 Pagkatapos na mabautismuhan ay kaagad na umahon si Jesus mula sa tubig; at, narito! ang langit ay nabuksan,+ at nakita niyang bumababa na tulad ng isang kalapati+ ang espiritu ng Diyos na lumalapag sa kaniya.+
9 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang katampalasanan. Kaya naman ang Diyos, ang iyong Diyos, ay nagpahid+ sa iyo ng langis ng pagbubunyi na higit kaysa sa iyong mga kasamahan.”+