26 Ngunit ang katulong, ang banal na espiritu, na ipadadala ng aking Ama sa pangalan ko, ang isang iyon ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at ibabalik sa inyong mga pag-iisip ang lahat ng bagay na sinabi ko sa inyo.+
4 At habang nakikipagtipon siya sa kanila ay ibinigay niya sa kanila ang mga utos: “Huwag kayong umalis sa Jerusalem,+ kundi patuloy ninyong hintayin yaong ipinangako ng Ama,+ na siyang narinig ninyo sa akin;