13 hanggang sa makamtan nating lahat ang pagkakaisa sa pananampalataya at sa tumpak na kaalaman sa Anak ng Diyos, upang maging isang tao na husto ang gulang,+ hanggang sa sukat ng laki na nauukol sa kalubusan ng Kristo;+
18 Hindi, kundi patuloy kayong lumago sa di-sana-nararapat na kabaitan at kaalaman sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Kristo.+ Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian kapuwa ngayon at sa araw na walang hanggan.+