5 At tutuparin ninyo ang aking mga batas at ang aking mga hudisyal na pasiya, na kung gagawin ng isang tao ay mabubuhay rin siya sa pamamagitan ng mga iyon.+ Ako ay si Jehova.+
22 Sinabi naman ni Samuel: “Mayroon bang gayon kalaking kaluguran si Jehova sa mga handog na sinusunog+ at mga hain na gaya ng sa pagsunod sa tinig ni Jehova? Narito! Ang pagsunod+ ay mas mabuti kaysa sa hain,+ ang pagbibigay-pansin kaysa sa taba+ ng mga barakong tupa;
21 “Hindi ang bawat nagsasabi sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang isa na gumagawa+ ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.+
7 Mumunting mga anak, huwag hayaang iligaw kayo ng sinuman; siya na nagpapatuloy sa paggawa ng katuwiran ay matuwid, kung paanong ang isang iyon ay matuwid.+