28 At kung paanong hindi nila sinang-ayunang kilalanin ang Diyos ayon sa tumpak na kaalaman,+ ibinigay sila ng Diyos sa isang di-sinang-ayunang kalagayan ng isip,+ upang gawin ang mga bagay na hindi nararapat,+
21 Kung gayon, anong bunga+ ang taglay ninyo noong panahong iyon? Mga bagay+ na ngayon ay ikinahihiya ninyo. Sapagkat ang wakas ng mga bagay na iyon ay kamatayan.+
17 Kaya nga, ito ang sinasabi ko at pinatototohanan sa Panginoon, na huwag na kayong lumakad pa kung paanong ang mga bansa+ ay lumalakad din sa kawalang-pakinabang ng kanilang mga pag-iisip,+
3 Sapagkat tayo man ay dating hangal, masuwayin, naililigaw, napaaalipin sa iba’t ibang pagnanasa at kaluguran, nahihirati sa kasamaan at inggit, nakamumuhi, napopoot sa isa’t isa.+