Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Apocalipsis 8:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At hinipan ng una ang kaniyang trumpeta. At nagkaroon ng graniso at apoy+ na may halong dugo, at inihagis iyon sa lupa; at ang isang katlo ng lupa ay nasunog, at ang isang katlo ng mga punungkahoy ay nasunog,+ at ang lahat ng luntiang pananim+ ay nasunog.

  • Apocalipsis 8:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At hinipan ng ikalawang anghel ang kaniyang trumpeta. At isang bagay na tulad ng isang malaking bundok+ na nagniningas sa apoy ang inihagis sa dagat.+ At ang isang katlo ng dagat ay naging dugo;+

  • Apocalipsis 8:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At hinipan ng ikatlong anghel ang kaniyang trumpeta. At isang malaking bituin na nagniningas na gaya ng lampara ang nahulog mula sa langit,+ at nahulog ito sa isang katlo ng mga ilog at sa mga bukal ng mga tubig.+

  • Apocalipsis 8:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At hinipan ng ikaapat na anghel ang kaniyang trumpeta. At ang isang katlo ng araw ay hinampas at ang isang katlo ng buwan at ang isang katlo ng mga bituin, upang ang isang katlo nila ay magdilim+ at ang araw ay hindi magkaroon ng liwanag sa isang katlo+ nito, at gayundin naman ang gabi.

  • Apocalipsis 9:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At hinipan ng ikalimang anghel ang kaniyang trumpeta.+ At nakita ko ang isang bituin+ na nahulog sa lupa mula sa langit, at ang susi+ ng hukay ng kalaliman+ ay ibinigay sa kaniya.

  • Apocalipsis 9:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At hinipan ng ikaanim na anghel+ ang kaniyang trumpeta.+ At narinig ko ang isang tinig+ mula sa mga sungay ng ginintuang altar+ na nasa harap ng Diyos

  • Apocalipsis 11:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At hinipan ng ikapitong anghel ang kaniyang trumpeta.+ At nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, na nagsasabi: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon+ at ng kaniyang Kristo,+ at mamamahala siya bilang hari magpakailan-kailanman.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share