-
Genesis 37:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Nagtatali raw tayo ng mga tungkos sa gitna ng bukid nang tumayo nang tuwid ang tungkos ko at pumalibot ang mga tungkos ninyo at yumukod sa tungkos ko.”+ 8 Sinabi ng mga kapatid niya: “Sinasabi mo bang maghahari ka sa amin at magpupuno ka sa amin?”+ Kaya may dahilan na naman sila para mapoot sa kaniya dahil sa panaginip niya at sa sinabi niya.
9 Pagkatapos, nanaginip ulit siya at sinabi sa mga kapatid niya: “Nanaginip ulit ako. Yumuyukod daw sa akin ang araw, buwan, at 11 bituin.”+
-