42 Nang malaman ni Jacob na may butil sa Ehipto,+ sinabi niya sa mga anak niya: “Bakit nagtitinginan lang kayo at ayaw ninyong kumilos?” 2 Sinabi pa niya: “Nabalitaan kong may butil sa Ehipto. Pumunta kayo roon at bumili para sa atin, para manatili tayong buháy at hindi mamatay.”+