-
Genesis 37:31-34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Kaya kinuha nila ang damit ni Jose, pumatay sila ng lalaking kambing, at isinawsaw nila ang damit sa dugo. 32 Pagkatapos, ipinadala nila ang espesyal na damit sa kanilang ama at ipinasabi: “Nakita namin ito. Pakisuyo, tingnan ninyo kung sa anak ninyo ang damit na ito o hindi.”+ 33 At tiningnan niya itong mabuti at sinabi: “Sa anak ko ang damit na ito! Malamang na nilapa siya ng mabangis na hayop! Tiyak na nagkaluray-luray si Jose!” 34 At pinunit ni Jacob ang mga damit niya, naglagay ng telang-sako sa baywang, at nagdalamhati nang maraming araw para sa kaniyang anak.
-