38 Pero sinabi niya: “Hindi sasama sa inyo ang anak ko, dahil ang kapatid niya ay patay na at siya na lang ang naiwan.+ Kung maaksidente siya at mamatay habang naglalakbay kayo, tiyak na ibababa ninyo ako sa Libingan*+ dahil sa pamimighati.”+
27 Pero sinabi sa amin ng aming ama na iyong alipin, ‘Alam ninyong dalawang anak na lalaki lang ang isinilang ng asawa ko.+28 Pero iniwan na ako ng isa at sinabi ko: “Tiyak na nagkaluray-luray siya!”+ at hindi ko na siya muling nakita hanggang ngayon.