-
Genesis 17:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At sinabi ng Diyos kay Abraham: “Kung tungkol sa iyong asawa na si Sarai,*+ huwag mo na siyang tawaging Sarai, dahil magiging Sara* na ang pangalan niya. 16 Pagpapalain ko siya at bibigyan din kita ng isang anak na lalaki sa pamamagitan niya;+ pagpapalain ko si Sara at pagmumulan siya ng mga bansa; pagmumulan siya ng mga hari.”*
-