17Noong si Abram ay 99 na taóng gulang, si Jehova ay nagpakita kay Abram at nagsabi: “Ako ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. Lumakad ka nang tapat sa harap ko at ipakita mong wala kang pagkukulang.*
8 At ibibigay ko sa iyo at sa magiging mga supling* mo ang lupain kung saan ka nanirahan bilang dayuhan+—ang buong lupain ng Canaan—para maging pag-aari ninyo magpakailanman, at ako ay magiging Diyos ninyo.”+
9 Dahil sa pananampalataya, tumira siya bilang dayuhan sa lupaing ipinangako,+ at tumira siya sa mga tolda+ kasama sina Isaac at Jacob, ang mga kasama niyang tagapagmana ng pangako ring iyon.+
13 Lahat sila ay namatay nang may pananampalataya, kahit hindi nila naranasan ang katuparan ng mga pangako;+ pero nakita nila ang mga iyon mula sa malayo+ at nagsaya sila dahil sa mga iyon at hayagang sinabi na sila ay mga tagaibang bayan at pansamantalang naninirahan sa lupain.