Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 25:9, 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Inilibing siya ng mga anak niyang sina Isaac at Ismael sa kuweba ng Macpela sa lupain ni Epron na anak ni Zohar na Hiteo na nasa tapat ng Mamre,+ 10 sa lupaing binili ni Abraham mula sa mga anak ni Het. Doon inilibing si Abraham, kung saan inilibing ang asawa niyang si Sara.+

  • Genesis 49:29-33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Pagkatapos, inutusan niya sila: “Mamamatay na ako.*+ Ilibing ninyo ako kasama ng aking mga ama sa kuweba na nasa lupain ni Epron na Hiteo,+ 30 ang kuweba sa lupain ng Macpela na nasa tapat ng Mamre sa lupain ng Canaan, ang lupaing binili ni Abraham mula kay Epron na Hiteo para maging libingan. 31 Doon nila inilibing si Abraham at ang asawa niyang si Sara.+ Doon nila inilibing si Isaac+ at ang asawa niyang si Rebeka, at doon ko inilibing si Lea. 32 Ang lupain at ang kuwebang naroon ay binili mula sa mga anak ni Het.”+

      33 At natapos ni Jacob ang paghahabilin sa mga anak niyang lalaki. Pagkatapos, humiga siya, hinugot ang kaniyang huling hininga, at namatay.*+

  • Genesis 50:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Dinala siya ng mga anak niya sa lupain ng Canaan at inilibing sa kuweba sa lupain ng Macpela, ang lupain sa tapat ng Mamre na binili ni Abraham mula kay Epron na Hiteo para maging libingan.+ 14 Pagkatapos ilibing ang kaniyang ama, bumalik si Jose sa Ehipto kasama ang mga kapatid niya at ang lahat ng sumama sa kaniya sa paglilibing ng ama niya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share