-
Exodo 35:5-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 ‘Lumikom kayo ng abuloy para kay Jehova mula sa inyong sarili.+ Mag-abuloy kay Jehova ang bawat isa na gustong magbigay nang bukal sa puso:+ ginto, pilak, tanso, 6 asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, magandang klase ng lino, balahibo ng kambing,+ 7 balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, balat ng poka,* kahoy ng akasya, 8 langis para sa ilawan, balsamong gagamitin sa langis para sa pag-aatas at sa mabangong insenso,+ 9 batong onix, at iba pang bato na ilalagay sa epod*+ at pektoral.*+
-