-
Exodo 25:31-39Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 “Gagawa ka ng kandelero+ na yari sa purong ginto. Pinukpok na ginto ang gagamitin mo sa paggawa nito. Ito ay dapat na isang buong piraso na may paanan, pinakakatawan, mga sanga, mga kalis,* mga buko,* at mga bulaklak.+ 32 At may anim na sanga sa magkabilang panig ng kandelero, tatlong sanga sa isang panig nito at tatlong sanga sa kabila. 33 Ang bawat sanga sa isang panig ay may tatlong kalis na kahugis ng bulaklak ng almendras, at ang bawat kalis ay sinasalitan ng buko at bulaklak. Ganiyan din ang bawat sanga sa kabilang panig. Ganito dapat ang hitsura ng anim na sanga ng kandelero. 34 Ang pinakakatawan ng kandelero ay may apat na kalis na kahugis ng bulaklak ng almendras, at ang bawat kalis ay sinasalitan ng buko at bulaklak. 35 May buko sa ilalim ng unang dalawang sanga na nasa pinakakatawan. May buko rin sa ilalim ng sumunod na dalawang sanga at sa ilalim ng sumunod pang dalawang sanga. Ito ang magiging puwesto ng anim na sanga sa pinakakatawan. 36 Ang mga buko, mga sanga, at ang buong kandelero ay dapat na isang buong piraso ng pinukpok na purong ginto.+ 37 Gagawa ka ng pitong ilawan para dito, at kapag may sindi ang mga ilawan, paliliwanagin ng mga ito ang lugar sa harap nito.+ 38 Ang mga pang-ipit ng mitsa* nito at mga lalagyan ng baga* nito ay purong ginto.+ 39 Gagawin ito, pati na ang mga kagamitang ito, gamit ang isang talento* ng purong ginto.
-