-
Exodo 38:9-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Pagkatapos, gumawa siya ng looban+ para sa tabernakulo. Para sa timugang bahagi ng looban, gumawa siya ng nakasabit na tabing na yari sa magandang klase ng pinilipit na lino, 100 siko.+ 10 Mayroon itong 20 haligi at 20 may-butas na patungang yari sa tanso, at ang mga kawit ng mga haligi at ang mga pandugtong* nito ay yari sa pilak. 11 Ang hilagang bahagi ay mayroon ding 100 siko ng nakasabit na tabing. Ang 20 haligi at 20 may-butas na patungan nito ay yari sa tanso. Ang mga kawit ng mga haligi at ang mga pandugtong* nito ay yari sa pilak.
-