-
Exodo 28:9-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 “Kukuha ka ng dalawang batong onix,+ at iuukit mo sa mga iyon ang pangalan ng mga anak ni Israel,+ 10 anim na pangalan sa isang bato at ang natitirang anim na pangalan sa isa pang bato, ayon sa kapanganakan nila. 11 Isang mang-uukit ng bato ang mag-uukit ng pangalan ng mga anak ni Israel sa dalawang bato, gaya ng pag-ukit niya sa isang pantatak.+ Pagkatapos, ikakabit mo ang mga ito sa lalagyang* ginto.
-