2 Kaya nakipag-away ang bayan kay Moises,+ at sinabi nila: “Bigyan mo kami ng tubig na maiinom.” Pero sinabi ni Moises: “Bakit kayo nakikipag-away sa akin? Bakit lagi ninyong sinusubok si Jehova?”+
7 “Alalahanin ninyo—huwag ninyong kalimutan—kung paano ninyo ginalit ang Diyos ninyong si Jehova sa ilang.+ Mula nang araw na umalis kayo sa Ehipto hanggang sa pagdating ninyo sa lugar na ito, naghimagsik kayo kay Jehova.+
27 Dahil alam na alam kong talagang mapaghimagsik kayo+ at matigas ang ulo*+ ninyo. Kung mapaghimagsik na kayo kay Jehova ngayong buháy pa ako, paano pa kaya pagkamatay ko?