Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 7:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Dahil itatalikod nila sa akin ang inyong mga anak at maglilingkod ang mga ito sa ibang mga diyos;+ at lalagablab ang galit ni Jehova at agad kayong lilipulin.+

  • Deuteronomio 31:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Malapit ka nang mamatay,* at ang bayang ito ay sasamba* sa mga diyos ng mga banyaga sa palibot ng lupaing pupuntahan nila.+ Iiwan nila ako,+ at hindi sila tutupad sa pakikipagtipan ko sa kanila.+

  • Hukom 2:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Pero ayaw nilang makinig kahit sa mga hukom, at sumamba sila* sa ibang mga diyos at yumukod sa mga iyon. Agad silang lumihis sa daang nilakaran ng kanilang mga ninuno, na sumunod sa mga utos ni Jehova.+ Hindi nila tinularan ang kanilang mga ninuno.

  • Hukom 8:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Pagkamatay ni Gideon, ang mga Israelita ay muling sumamba* sa mga Baal,+ at ginawa nilang diyos si Baal-berit.+

  • 1 Hari 11:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Galing sila sa mga bansang tinutukoy ni Jehova nang sabihin niya sa mga Israelita: “Huwag kayong makikisama sa kanila,* at hindi sila dapat makisama sa inyo, dahil siguradong pasusunurin nila kayo* sa mga diyos nila.”+ Pero mahal na mahal sila* ni Solomon.

  • Nehemias 13:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Hindi ba ito ang dahilan kaya nagkasala si Haring Solomon ng Israel? Walang haring tulad niya saanmang bansa;+ minahal siya ng kaniyang Diyos+ at ginawang hari sa buong Israel. Pero kahit siya, nagkasala dahil sa mga asawang banyaga.+

  • Awit 106:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 At sumama sila sa pagsamba kay Baal ng Peor+

      At kumain ng mga inihandog sa mga patay.*

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share