-
Levitico 15:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 “‘Kung huminto ang paglabas ng malapot na likido at gumaling ang lalaking may sakit, bibilang siya ng pitong araw para sa paglilinis sa kaniya, at dapat siyang maglaba ng mga damit niya at maligo sa sariwang tubig, at siya ay magiging malinis.+ 14 Sa ikawalong araw, dapat siyang kumuha ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati,+ at pupunta siya sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa harap ni Jehova at ibibigay ang mga iyon sa saserdote.
-