Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 11:23-25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Lahat ng iba pang may-pakpak na nilalang na nagkukulumpon at may apat na paa* ay karima-rimarim para sa inyo. 24 Puwede kayong maging marumi dahil sa mga ito. Lahat ng humihipo sa mga ito kapag patay na ang mga ito ay magiging marumi hanggang gabi.+ 25 Sinumang humawak sa patay na mga hayop na ito ay dapat maglaba ng mga damit niya;+ magiging marumi siya hanggang gabi.

  • Levitico 15:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Kung duraan ng lalaking may sakit ang sinumang malinis, dapat siyang maglaba ng mga damit at maligo, at magiging marumi siya hanggang gabi.

  • Levitico 17:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Kung ang sinuman,* katutubo man o dayuhan, ay kumain ng hayop na natagpuang patay o nilapa ng mabangis na hayop,+ dapat siyang maglaba ng mga damit at maligo, at magiging marumi siya hanggang gabi;+ pagkatapos, siya ay magiging malinis.

  • Levitico 22:4-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Sinumang lalaki sa mga supling ni Aaron na may ketong+ o may lumalabas na malapot na likido sa ari+ ay hindi puwedeng kumain ng mga banal na bagay hanggang sa maging malinis siya,+ gayundin ang isang lalaking nadikit sa sinumang marumi dahil sa isang namatay na tao,*+ o ang isang lalaking nilabasan ng semilya,+ 5 o ang isang lalaking nadikit sa maruming hayop na nagkukulumpon*+ o sa isang taong marumi sa anumang dahilan at puwedeng makahawa ng karumihan nito.+ 6 Ang taong* madikit sa alinman sa mga ito ay magiging marumi hanggang gabi at hindi makakakain ng alinman sa mga banal na bagay, at dapat siyang maligo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share