-
Levitico 3:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Ihaharap niya kay Jehova ang mga bahaging ito ng haing pansalo-salo bilang handog na pinaraan sa apoy:+ ang taba+ na nakapalibot sa mga bituka, ang lahat ng taba na bumabalot sa mga bituka, 4 at ang dalawang bato pati ang taba ng mga iyon na malapit sa balakang. Kukunin din niya ang lamad* sa atay kasama ng mga bato.+ 5 Susunugin iyon ng mga anak ni Aaron sa altar, sa ibabaw ng handog na sinusunog na nakapatong sa kahoy na nasa ibabaw ng mga baga, para pumailanlang ang usok;+ iyon ay handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+
-
-
Levitico 7:29-31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Ang sinumang naghahandog ng kaniyang haing pansalo-salo para kay Jehova ay kukuha ng isang bahagi mula sa kaniyang haing pansalo-salo bilang handog kay Jehova.+ 30 Siya mismo ang magdadala ng taba+ kasama ang dibdib bilang handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, at igagalaw niya iyon nang pabalik-balik bilang handog na iginagalaw*+ sa harap ni Jehova. 31 Susunugin ng saserdote ang taba para pumailanlang mula sa altar ang usok,+ pero ang dibdib ay mapupunta kay Aaron at sa mga anak niya.+
-