15 Pero ang mga dating gobernador ay naging pabigat sa mga tao at humihingi sila ng 40 siklong* pilak para sa kanilang tinapay at alak araw-araw. Ang mga tagapaglingkod nila ay nagpahirap din sa bayan. Pero hindi ko ginawa iyon+ dahil sa takot sa Diyos.+
17 Bigyang-dangal ninyo ang lahat ng uri ng tao,+ magkaroon kayo ng pag-ibig sa buong samahan ng mga kapatid,*+ matakot kayo sa Diyos,+ parangalan ninyo ang hari.+