-
Hukom 7:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Nang marinig ni Gideon ang kuwento ng lalaki tungkol sa panaginip nito at ang paliwanag dito,+ yumukod siya para sumamba. Pagkatapos, bumalik siya sa kampo ng Israel at nagsabi: “Bangon na, dahil ibinigay ni Jehova ang kampo ng Midian sa inyong kamay.” 16 Pagkatapos, hinati niya sa tatlong grupo ang 300 lalaki at binigyan silang lahat ng tambuli+ at malaking banga na may sulo sa loob.
-
-
Hukom 15:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At nakakita siya ng sariwang panga ng lalaking asno; kinuha niya iyon at 1,000 lalaki ang pinabagsak niya gamit iyon.+ 16 Pagkatapos ay sinabi ni Samson:
“Sa pamamagitan ng panga ng isang asno—isang bunton, dalawang bunton!
Sa pamamagitan ng panga ng isang asno ay 1,000 lalaki ang pinabagsak ko.”+
-