Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 28:3-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang handog na pinaraan sa apoy na iaalay ninyo kay Jehova: dalawang malulusog at isang-taóng-gulang na lalaking kordero* na regular ninyong iaalay bilang handog na sinusunog araw-araw.+ 4 Ang isang lalaking kordero ay ihahandog mo sa umaga, at ang isa pang lalaking kordero ay ihahandog mo sa takipsilim,*+ 5 kasama ang ikasampu ng isang epa* ng magandang klase ng harina na hinaluan ng sangkapat na hin* ng langis mula sa napigang olibo bilang handog na mga butil.+ 6 Ito ay regular na handog na sinusunog,+ gaya ng iniutos sa Bundok Sinai, isang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova, 7 kasama ng handog na inumin nito na sangkapat na hin para sa bawat lalaking kordero.+ Ibuhos mo sa banal na lugar ang inuming de-alkohol bilang handog na inumin para kay Jehova. 8 At ihahandog mo ang isa pang lalaking kordero sa takipsilim.* Kasama ng gayon ding handog na mga butil na iniaalay sa umaga at ng gayon ding handog na inumin nito, ihahandog mo iyon bilang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share