Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 6:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “‘At ito ang kautusan tungkol sa handog na mga butil:+ Kayong mga anak ni Aaron ang magdadala nito sa altar, sa harap ni Jehova.

  • Levitico 6:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Hindi ito hahaluan ng pampaalsa kapag niluto.+ Ibinigay ko ito bilang bahagi nila mula sa mga handog para sa akin na pinaraan sa apoy.+ Ito ay kabanal-banalang bagay,+ tulad ng handog para sa kasalanan at ng handog para sa pagkakasala.

  • Levitico 7:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “‘Ito ang kautusan tungkol sa handog para sa pagkakasala:+ Iyon ay kabanal-banalang bagay.

  • Levitico 7:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Bawat lalaki, na saserdote, ay kakain nito,+ at dapat itong kainin sa banal na lugar. Iyon ay kabanal-banalang bagay.+

  • Levitico 10:12, 13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At sinabi ni Moises kay Aaron at sa natitira pang mga anak nito na sina Eleazar at Itamar: “Kunin ninyo ang natirang handog na mga butil mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy at gawing tinapay na walang pampaalsa. At kainin ninyo iyon malapit sa altar,+ dahil iyon ay kabanal-banalang bagay.+ 13 Dapat ninyong kainin iyon sa isang banal na lugar,+ dahil iyon ang paglalaan para sa iyo at sa iyong mga anak mula sa mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy, dahil ito ang iniutos sa akin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share