Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 29:27, 28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Pababanalin mo ang dibdib ng handog na iginagalaw* at ang binti ng banal na bahagi na iginalaw at kinuha mula sa lalaking tupa para sa pag-aatas,+ mula sa inihandog para kay Aaron at sa mga anak niya. 28 Ito ay magiging kay Aaron at sa mga anak niya dahil ito ay banal na bahagi, at mananatili ang tuntuning ito na kailangang sundin ng mga Israelita, at ito ay magiging banal na bahagi na ibibigay ng mga Israelita.+ Ito ang banal na bahagi nila para kay Jehova na ibubukod nila mula sa kanilang mga haing pansalo-salo.+

  • Bilang 18:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Sinabi pa ni Jehova kay Aaron: “Ako mismo ang nag-aatas sa iyo sa pag-iingat ng mga abuloy para sa akin.+ Ibinibigay ko sa iyo at sa iyong mga anak bilang permanenteng paglalaan ang isang bahagi ng lahat ng banal na bagay na iniabuloy ng mga Israelita.+

  • Deuteronomio 18:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “Ito ang parte na dapat ibigay ng bayan sa mga saserdote: Kung may maghahandog ng toro* o tupa, dapat niyang ibigay sa saserdote ang paypay,* mga panga, at tiyan.

  • Ezekiel 44:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Sila ang kakain ng handog na mga butil,+ handog para sa kasalanan, at handog para sa pagkakasala,+ at ang lahat ng bagay sa Israel na inialay ay magiging kanila.+

  • 1 Corinto 9:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Hindi ba ninyo alam na ang mga lalaking gumaganap ng sagradong mga atas ay kumakain ng mga bagay na mula sa templo, at ang mga regular na naglilingkod sa altar ay may parte sa mga bagay na inihahandog sa altar?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share