Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 29:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 At nagdalang-tao pa siya ulit at nagsilang ng isang lalaki at sinabi niya: “Pupurihin ko ngayon si Jehova.” Kaya pinangalanan niya itong Juda.*+ Pagkatapos, huminto na siya sa panganganak.

  • Genesis 46:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ang mga anak ni Juda+ ay sina Er, Onan, Shela,+ Perez,+ at Zera.+ Pero sina Er at Onan ay namatay sa lupain ng Canaan.+

      Ang mga anak ni Perez ay sina Hezron at Hamul.+

  • Bilang 2:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “Ang tatlong-tribong pangkat ng kampo ni Juda ay magkakampo sa gawing silangan, sa sikatan ng araw, sa lugar na itinakda para sa kanilang grupo;* ang pinuno ng mga anak ni Juda ay si Nason+ na anak ni Aminadab. 4 Ang mga nairehistro sa kaniyang hukbo ay 74,600.+

  • 1 Cronica 5:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Kahit na nakahihigit si Juda+ sa mga kapatid niya at sa kaniya nagmula ang magiging lider,+ kay Jose ibinigay ang karapatan sa pagkapanganay.

  • Mateo 1:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Naging anak ni Abraham si Isaac;+

      naging anak ni Isaac si Jacob;+

      naging anak ni Jacob si Juda+ at ang mga kapatid nito;

  • Hebreo 7:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Dahil malinaw na ang Panginoon natin ay nagmula sa Juda,+ pero walang sinabi si Moises na may mga saserdote mula sa tribong iyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share