-
Genesis 41:51, 52Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
51 Pinangalanan ni Jose ang panganay niya na Manases,*+ dahil ang sabi niya, “Ipinalimot sa akin ng Diyos ang lahat ng paghihirap ko at ang buong sambahayan ng ama ko.” 52 At pinangalanan niyang Efraim*+ ang ikalawa, dahil ang sabi niya, “Ginawa akong palaanakin ng Diyos sa lupain ng pagdurusa ko.”+
-
-
Genesis 48:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Nang makita ni Jose na hindi inaalis ng ama niya ang kanang kamay nito sa ulo ni Efraim, hindi niya iyon nagustuhan, kaya sinubukan niyang ilipat sa ulo ni Manases ang kamay ng ama niya na nakapatong sa ulo ni Efraim. 18 Sinabi ni Jose sa ama niya: “Hindi, ama ko, ito ang panganay.+ Ilagay po ninyo sa ulo niya ang inyong kanang kamay.” 19 Pero tumatanggi ang ama niya, at sinabi nito: “Alam ko, anak ko, alam ko. Siya rin ay magiging isang bayan, at siya rin ay magiging dakila. Gayunman, ang nakababata niyang kapatid ay magiging mas dakila kaysa sa kaniya,+ at ang dami ng magiging supling* nito ay sapat para makabuo ng mga bansa.”+
-