-
Bilang 7:13-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Ang handog niya ay isang pilak na pinggan na 130 siklo* ang bigat at isang pilak na mangkok na 70 siklo ang bigat ayon sa siklo ng banal na lugar,*+ na parehong punô ng magandang klase ng harina na hinaluan ng langis bilang handog na mga butil;+ 14 isang gintong kopa* na 10 siklo ang bigat at punô ng insenso; 15 isang batang toro, isang lalaking tupa, at isang lalaking kordero* na hindi lalampas ng isang taóng gulang, bilang handog na sinusunog;+ 16 isang batang kambing bilang handog para sa kasalanan;+ 17 at bilang haing pansalo-salo+ ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taóng gulang. Ito ang handog ni Nason na anak ni Aminadab.+
-