-
Bilang 23:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Sinabi ni Balak: “Pakiusap, pumunta tayo sa ibang lugar kung saan puwede mo silang makita. Isang bahagi lang ng kampo ang makikita mo; hindi mo sila makikitang lahat. Mula roon, sumpain mo sila para sa akin.”+ 14 Kaya isinama niya ito sa parang ng Zopim, sa itaas ng Pisga,+ at nagtayo siya ng pitong altar at naghandog ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.+
-
-
Bilang 23:28-30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 Kaya isinama ni Balak si Balaam sa tuktok ng Peor, na nakaharap sa Jesimon.*+ 29 At sinabi ni Balaam kay Balak: “Magtayo ka rito ng pitong altar, at ipaghanda mo ako ng pitong toro at pitong lalaking tupa.”+ 30 Kaya ginawa ni Balak ang sinabi ni Balaam, at naghandog siya ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat altar.
-