12 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Pumunta ka sa akin sa bundok at manatili ka roon. Ibibigay ko sa iyo ang mga tapyas ng bato kung saan ko isusulat ang kautusan at batas na magtuturo sa kanila.”+
18 Pagkatapos niyang makipag-usap kay Moises sa Bundok Sinai, ibinigay niya rito ang dalawang tapyas ng Patotoo,+ mga tapyas ng bato na sinulatan ng daliri ng Diyos.+
19 Nang malapit na si Moises sa kampo at makita niya ang guya+ at ang sayawan, nagalit siya nang husto, at inihagis niya ang mga tapyas at nabasag ang mga iyon sa paanan ng bundok.+
34Pagkatapos, sinabi ni Jehova kay Moises: “Gumawa ka ng dalawang tapyas ng bato na tulad ng mga nauna,+ at isusulat ko sa mga tapyas ang mga isinulat ko sa unang mga tapyas+ na binasag mo.+