-
Bilang 13:23-27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
23 Nang makarating sila sa Lambak* ng Escol,+ pumutol sila ng isang sanga na may isang kumpol ng ubas, na kinailangang buhatin ng dalawa sa mga lalaki gamit ang isang pingga;* mayroon ding mga granada* at igos.+ 24 Tinawag nila ang lugar na iyon na Lambak* ng Escol*+ dahil sa kumpol na pinutol doon ng mga Israelita.
25 Pagkalipas ng 40 araw,+ bumalik sila mula sa pag-eespiya sa lupain. 26 Bumalik sila kina Moises at Aaron at sa buong bayan ng Israel na nasa ilang ng Paran, sa Kades.+ Nag-ulat sila sa buong bayan at ipinakita nila ang mga bunga ng lupain. 27 Ito ang iniulat nila kay Moises: “Pumasok kami sa lupain kung saan mo kami isinugo, at talaga ngang inaagusan iyon ng gatas at pulot-pukyutan,+ at ito ang mga bunga mula roon.+
-