20 Sinabi pa ni Jehova kay Aaron: “Hindi ka magkakaroon ng mana sa lupain nila, at hindi ka magkakaroon ng bahagi sa lupain nila.+ Ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga Israelita.+
9 Kaya hindi binigyan ng bahagi o mana ang mga Levita, di-gaya ng mga kapatid nila. Si Jehova ang kanilang mana, gaya ng sinabi sa kanila ng Diyos ninyong si Jehova.+