Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 13:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Ialay mo sa akin* ang lahat ng panganay na lalaki* ng mga Israelita. Ang unang lalaki na ipanganganak ng tao o hayop ay sa akin.”+

  • Exodo 22:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Ganito ang gagawin mo sa iyong toro at tupa:+ Pitong araw mo itong hahayaang makasama ang ina nito. Sa ikawalong araw ay ibibigay mo ito sa akin.+

  • Bilang 3:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Dahil ang lahat ng panganay ay akin.+ Nang araw na patayin ko ang lahat ng panganay sa Ehipto,+ pinabanal ko para sa akin ang lahat ng panganay sa Israel, tao man o hayop.+ Sila ay magiging akin. Ako si Jehova.”

  • Bilang 18:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 “Magiging iyo ang bawat panganay ng lahat ng nabubuhay na nilikha,*+ na ihahandog nila kay Jehova, tao man o hayop. Pero dapat mong tubusin ang panganay sa mga tao,+ at dapat mong tubusin ang panganay sa maruruming hayop.+

  • Bilang 18:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Pero huwag mong tutubusin ang panganay na toro* o panganay na lalaking kordero* o panganay na kambing.+ Banal ang mga iyon. Ang dugo ng mga iyon ay dapat mong iwisik sa altar,+ at ang taba ng mga iyon ay dapat mong sunugin para pumailanlang ang usok nito bilang handog na pinaraan sa apoy, isang nakagiginhawang amoy para kay Jehova.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share