-
Ezra 9:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Mula nang panahon ng mga ninuno namin hanggang ngayon, napakalaki na ng kasalanan namin;+ at dahil sa mga pagkakamali namin, kami, ang aming mga hari, at ang aming mga saserdote, ay ibinigay sa kamay ng mga hari ng ibang bansa, pinatay sa pamamagitan ng espada,+ binihag,+ ninakawan,+ at hiniya, gaya ng nangyayari ngayon.+
-
-
Daniel 9:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Ikaw ay matuwid, O Jehova, samantalang kami ay laging nagdadala ng kahihiyan sa sarili namin, gaya ngayon—sa buong Israel, kasama na ang mga taga-Juda at ang mga nakatira sa Jerusalem, ang mga nasa malapit at malayo, sa lahat ng lupain kung saan mo sila pinangalat dahil hindi sila naging tapat sa iyo.+
-