Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 17:18, 19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Kapag umupo na siya sa trono ng kaharian niya, gagawa siya ng sariling kopya* ng Kautusang ito, na iniingatan ng mga saserdoteng Levita.+

      19 “Mananatili iyon sa kaniya, at babasahin niya iyon sa bawat araw ng buhay niya,+ para matuto siyang matakot sa Diyos niyang si Jehova at masunod niya ang lahat ng salita sa Kautusang ito at ang mga tuntuning ito sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga iyon.+

  • Awit 1:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Maligaya ang taong hindi sumusunod sa payo ng masasama

      At hindi tumatayo sa daan ng mga makasalanan+

      At hindi umuupo sa upuan ng mga nangungutya.+

       2 Sa halip, nalulugod siya sa kautusan ni Jehova,+

      At ang kautusan Niya ay binabasa niya nang pabulong* araw at gabi.+

  • 1 Timoteo 4:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Pag-isipan mong mabuti* ang mga bagay na ito; magbuhos ka ng pansin dito para makita ng lahat ang pagsulong mo.

  • Santiago 1:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Pero ang tumitingin sa perpektong kautusan+ na umaakay sa kalayaan at patuloy na sumusunod dito ay hindi isang malilimuting tagapakinig, kundi isang tagatupad ng gawain; at magiging maligaya siya sa ginagawa niya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share