Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 15:14-16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Mababalitaan ito ng mga bayan;+ manginginig sila sa takot;

      Maliligalig* ang mga naninirahan sa Filistia.

      15 Sa pagkakataong iyon, matatakot ang mga shik* ng Edom,

      At manginginig ang makapangyarihang mga pinuno* ng Moab.+

      Manghihina ang loob ng lahat ng naninirahan sa Canaan.+

      16 Mababalot sila ng takot at manginginig.+

      Dahil sa iyong malakas na bisig, hindi sila makakakilos na tulad ng bato

      Hanggang sa makadaan ang iyong bayan, O Jehova,

      Hanggang sa makadaan ang bayang pinili* mo.+

  • Josue 2:9-11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Sinabi niya sa kanila: “Alam kong ibibigay sa inyo ni Jehova ang lupain.+ Takot na takot kami sa inyo.+ Ang lahat ng nakatira sa lupain ay pinanghihinaan ng loob dahil sa inyo.+ 10 Narinig namin kung paano tinuyo ni Jehova ang tubig ng Dagat na Pula sa harap ninyo nang lumabas kayo mula sa Ehipto,+ at kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amorita na sina Sihon+ at Og,+ na pinuksa ninyo sa kabilang ibayo* ng Jordan. 11 Nang mabalitaan namin iyon, natakot kami,* at walang isa man ang may lakas ng loob* na lumaban sa inyo, dahil si Jehova na inyong Diyos ay Diyos sa langit at sa lupa.+

  • Josue 5:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Nang marinig ng lahat ng hari ng mga Amorita+ sa kanluran* ng Jordan at ng lahat ng hari ng mga Canaanita,+ na malapit sa dagat, na tinuyo ni Jehova ang tubig ng Jordan sa harap ng mga Israelita hanggang sa makatawid ang mga ito, natakot sila*+ at pinanghinaan ng loob* dahil sa mga Israelita.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share