-
Deuteronomio 33:13-15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Sinabi niya tungkol kay Jose:+
“Pagpalain nawa ni Jehova ang lupain niya+
Ng mabubuting bagay ng langit,
Ng hamog at ng tubig mula sa mga bukal,+
14 Ng mabubuting bagay na tumutubo dahil sa araw
At ng magandang ani buwan-buwan,+
15 Ng mabubuting bagay mula sa sinaunang mga bundok*+
At ng mabubuting bagay mula sa matatagal nang burol,
-
Josue 17:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Kaya ganito ang sinabi ni Josue sa sambahayan ni Jose, sa Efraim at sa Manases: “Isa kang malaki at makapangyarihang bayan. Hindi lang isang bahagi ng lupain ang mapupunta sa iyo.+ 18 Magiging sa iyo rin ang mabundok na rehiyon.+ Iyon ay isang kagubatan, pero hahawanin mo iyon, at iyon ang magiging dulo ng teritoryo mo. Dahil itataboy mo ang mga Canaanita, kahit na malalakas sila at may mga karwaheng pandigma na may mga patalim sa gulong.”*+
-
-
-