-
Genesis 17:9-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Sinabi pa ng Diyos kay Abraham: “Kung tungkol sa iyo, tuparin mo ang aking tipan, ikaw at ang magiging mga supling* mo hanggang sa susunod pang mga henerasyon. 10 Ito ang tipan ko sa inyo, na dapat mong tuparin at ng magiging mga supling* mo: Ang bawat lalaki sa inyo ay dapat magpatuli.+ 11 Dapat kayong magpatuli, at ito ay magiging tanda ng tipan ko sa inyo.+
-