-
1 Samuel 6:3, 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Sinabi ng mga ito: “Kung ibabalik ninyo ang kaban ng tipan ni Jehova na Diyos ng Israel, huwag ninyong ibalik iyon nang walang handog. Dapat kayong magbigay sa kaniya ng handog para sa pagkakasala.+ Saka lang kayo gagaling, at malalaman ninyo kung bakit patuloy niya kayong pinaparusahan.” 4 Kaya nagtanong sila: “Anong handog para sa pagkakasala ang ipadadala namin sa kaniya?” Sinabi ng mga ito: “Ayon sa bilang ng mga panginoon ng mga Filisteo,+ limang gintong almoranas at limang gintong daga, dahil iisang salot ang naranasan ng bawat isa sa inyo at ng inyong mga panginoon.
-