49 Ang mga anak na lalaki ni Saul ay sina Jonatan, Isvi, at Malki-sua.+ At may dalawa siyang anak na babae; ang pangalan ng mas matanda ay Merab,+ at ang pangalan ng nakababata ay Mical.+
11 Nang maglaon, nagsugo si Saul ng mga mensahero sa bahay ni David para bantayan iyon at patayin siya sa kinaumagahan,+ pero sinabi kay David ng asawa niyang si Mical: “Kung hindi ka tatakas ngayong gabi, bukas ay patay ka na.”
13 Sumagot si David: “Mabuti! Makikipagtipan ako sa iyo, pero sa isang kondisyon: Isama mo si Mical,+ na anak ni Saul, sa pagpunta mo rito. Kung hindi, huwag kang magpapakita sa akin.”
16 Pero nang makarating ang Kaban ni Jehova sa Lunsod ni David, ang anak ni Saul na si Mical+ ay dumungaw sa bintana at nakita niya si Haring David na naglululukso at nagsasasayaw sa harap ni Jehova; at hinamak niya ito sa kaniyang puso.+