Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 49:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ang setro ay hindi hihiwalay kay Juda,+ at ang baston ng kumandante ay hindi maaalis sa pagitan ng mga paa niya, hanggang sa dumating ang Shilo,*+ at magiging masunurin dito ang mga bayan.+

  • 1 Samuel 15:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Pagkatapos, sinabi ni Saul kay Samuel: “Nagkasala ako. Hindi ko sinunod ang utos ni Jehova at ang sinabi mo, dahil natakot ako sa bayan at nakinig ako sa sinabi nila.

  • 1 Samuel 15:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Sinabi ni Samuel sa kaniya: “Ngayon ay inalis* ni Jehova sa iyo ang paghahari sa Israel, at ibibigay niya iyon sa iba na mas mabuti kaysa sa iyo.+

  • 1 Samuel 16:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Kaya kinuha ni Samuel ang sungay ng langis+ at pinahiran si David sa harap ng mga kapatid niya. At ang espiritu ni Jehova ay sumakaniya* mula nang araw na iyon.+ Nang maglaon, pumunta si Samuel sa Rama.+

  • 2 Samuel 5:4, 5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Si David ay 30 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang 40 taon.+ 5 Sa Hebron ay naghari siya sa Juda nang 7 taon at 6 na buwan, at sa Jerusalem+ ay namahala siya nang 33 taon sa buong Israel at Juda.

  • 1 Cronica 11:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Kaya ang lahat ng matatandang lalaki ng Israel ay pumunta sa hari sa Hebron, at si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ni Jehova. Pagkatapos, pinahiran nila ng langis si David bilang hari sa Israel,+ gaya ng sinabi ni Jehova sa pamamagitan ni Samuel.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share