Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 39:7-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At nagustuhan si Jose ng asawa ng kaniyang panginoon at sinabi nito: “Sipingan mo ako.” 8 Pero tumanggi siya at sinabi sa asawa ng kaniyang panginoon: “Hindi na inaalam ng panginoon ko kung ano ang pinamamahalaan ko sa bahay niya, at ipinagkatiwala na niya sa akin ang lahat ng pag-aari niya. 9 Walang nakahihigit sa akin sa bahay na ito, at wala siyang ipinagkait sa akin maliban sa iyo, dahil asawa ka niya. Kaya paano ko magagawa ang napakasamang bagay na ito at magkasala nga laban sa Diyos?”+

  • 1 Hari 15:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Dahil ginawa ni David ang tama sa paningin ni Jehova, at hindi niya sinuway ang anumang iniutos ng Diyos sa kaniya sa buong buhay niya, maliban lang sa pangyayari may kaugnayan kay Uria na Hiteo.+

  • Awit 5:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Pupuksain mo ang mga nagsisinungaling.+

      Kinasusuklaman ni Jehova ang mararahas* at nandaraya.+

  • Awit 11:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Si Jehova ay nasa kaniyang banal na templo.+

      Ang trono ni Jehova ay nasa langit.+

      Nakikita ng mga mata niya ang lahat; sinusuri ng mapagbantay* niyang mga mata ang mga anak ng tao.+

  • Hebreo 13:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Maging marangal nawa para sa lahat ang pag-aasawa, at huwag nawang madungisan ang higaang pangmag-asawa,+ dahil hahatulan ng Diyos ang mga nagkakasala ng seksuwal na imoralidad* at ang mga nangangalunya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share