-
1 Hari 15:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Kaya kinuha ni Asa ang lahat ng pilak at ginto na natira sa mga kabang-yaman ng bahay ni Jehova at sa mga kabang-yaman ng bahay* ng hari at ibinigay ito sa kaniyang mga lingkod. Pagkatapos, isinugo sila ni Haring Asa sa hari ng Sirya+ na nakatira sa Damasco, si Ben-hadad na anak ni Tabrimon na anak ni Hezion. Ipinasabi niya:
-
-
2 Hari 18:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Kaya si Haring Hezekias ng Juda ay nagpadala ng mensahe sa hari ng Asirya sa Lakis: “Nagkamali ako. Umurong kayo, at ibibigay ko sa iyo ang anumang hingin mo sa akin.” Pinagbayad ng hari ng Asirya si Haring Hezekias ng Juda ng 300 talento* ng pilak at 30 talento ng ginto. 15 Kaya ibinigay ni Hezekias ang lahat ng pilak sa bahay ni Jehova at sa mga kabang-yaman ng bahay* ng hari.+
-
-
2 Hari 24:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Sumuko si Jehoiakin na hari ng Juda sa hari ng Babilonya,+ kasama ang kaniyang ina, mga lingkod, mga pinuno, at mga opisyal sa palasyo;+ at binihag siya ng hari ng Babilonya sa ikawalong taon ng pamamahala nito.+ 13 Pagkatapos, kinuha ng hari ng Babilonya ang lahat ng kayamanan sa bahay ni Jehova at ang kayamanan sa bahay* ng hari.+ Pinagputol-putol niya ang lahat ng kagamitang ginto na ginawa ni Solomon na hari ng Israel sa templo ni Jehova.+ Nangyari ito gaya ng inihula ni Jehova.
-