Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 20:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 “Huwag kang gagawa para sa iyo ng inukit na imahen o ng anyo na katulad ng anumang nasa langit o nasa lupa o nasa tubig.+

  • 1 Hari 9:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At sasabihin nila, ‘Iniwan kasi nila si Jehova na kanilang Diyos, ang naglabas sa kanilang mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto, at yumakap sila sa ibang diyos at yumukod at naglingkod sa mga ito. Kaya pinasapit ni Jehova sa kanila ang lahat ng kapahamakang ito.’”+

  • 1 Hari 16:30-33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Si Ahab na anak ni Omri ay mas masama sa paningin ni Jehova kaysa sa lahat ng nauna sa kaniya.+ 31 Hindi pa siya nasiyahan sa pagtulad sa mga kasalanan ni Jeroboam+ na anak ni Nebat. Kinuha pa niya bilang asawa si Jezebel+ na anak ni Etbaal na hari ng mga Sidonio,+ at nagsimula siyang maglingkod kay Baal+ at yumukod dito. 32 Bukod diyan, nagtayo siya ng altar para kay Baal sa bahay* ni Baal+ na itinayo niya sa Samaria. 33 Gumawa rin si Ahab ng sagradong poste.*+ Mas maraming ginawang masama si Ahab para galitin si Jehova na Diyos ng Israel kumpara sa lahat ng hari sa Israel na nauna sa kaniya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share