-
2 Cronica 18:33, 34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 Pero isang lalaki ang basta na lang pumana, at tinamaan nito ang hari ng Israel sa pagitan ng mga dugtungan ng kutamaya* niya. Kaya sinabi ng hari sa tagapagpatakbo niya ng karwahe: “Bumalik tayo at ilayo mo ako sa labanan,* dahil nasugatan ako nang malubha.”+ 34 Matindi ang labanan nang araw na iyon, at ang hari ng Israel ay kinailangang panatilihing nakatayo sa karwahe na nakaharap sa mga Siryano hanggang gabi; at namatay siya paglubog ng araw.+
-