-
1 Hari 21:19-24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Sabihin mo sa kaniya, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Pumatay ka ba ng tao,+ pagkatapos ay kinuha mo ang pag-aari niya?”’+ At sabihin mo sa kaniya, ‘Ito ang sinabi ni Jehova: “Sa lugar kung saan hinimod ng mga aso ang dugo ni Nabot, hihimurin ng mga aso ang sarili mong dugo.”’”+
20 Sinabi ni Ahab kay Elias: “Nakita mo ako, kaaway ko!”+ Sumagot si Elias: “Nakita kita. ‘Dahil determinado kang* gawin ang masama sa paningin ni Jehova,+ 21 magpapadala ako ng kapahamakan sa iyo. Pupuksain ko kayo at lilipulin ko ang bawat lalaki* sa sambahayan ni Ahab,+ pati na ang mga hamak at mahihina sa Israel.+ 22 At ang sambahayan mo ay gagawin kong gaya ng sambahayan ni Jeroboam+ na anak ni Nebat at gaya ng sambahayan ni Baasa+ na anak ni Ahias, dahil ginalit mo ako at pinagkasala mo ang Israel.’ 23 At sinabi ni Jehova may kinalaman kay Jezebel: ‘Kakainin ng mga aso si Jezebel sa lupain sa Jezreel.+ 24 Ang mamamatay sa lunsod mula sa sambahayan ni Ahab ay kakainin ng mga aso at ang mamamatay sa parang ay kakainin ng mga ibon sa langit.+
-